Friday, June 17, 2022

Never Enough na completion rites song kinaaliwan ng mga netizen

‘Never Enough’ na completion rites song kinaaliwan ng mga netizen. Viral ngayon sa social media ang memorandum ng Department of Education – Agusan Del Sur dahil sa mga suhestiyon nitong completion song para sa mga mag-aaral na magtatapos.



“In this connection, DepEd Agusan Del Sur informed the field of the End-of-School Year Rites Songs for S.Y. 2021-2022 below,” saad sa memo.

Para sa kindergarten ay “Tomorrow” by Annie (1982) na inawit ni Andrea McArdle.

Sa Grade 6 ay “A Million Dreams” mula sa hit movie na “The Greatest Showman”.

Para naman sa Grade 12, ito ay “Goodbye High School” ni Kaitee Dal Pra.

Ngunit ang kinagigiliwan ng mga netizen ay ang “Never Enough” na completion rites song ng Grade 10 na inawit ni Loren Allred.

Maganda naman daw ang mensahe ng kanta, ngunit tumatak kasi sa mga netizen kung paano ito inawit ng singer, gayundin ang version nito ni Asia’s Phoenix Morissette Amon.

Narito ang iilan sa mga komento ng mga netizens.

“Biritan pala ang mangyayari hahahaha.”

“Maganda naman kasi yung mensahe ng awitin. Magiging concern diyan yung birit part hahaha.”

“Mga choir na yata sila hahaha.”

“Kung sino hindi makakaabot sa tono ng NEVER ENOOOOUUGGGHHHH!!!! hindi ire-release ang card at diploma hahaha.”

“Grabehan, pang-Broadway kanta sa graduation”.

“Pagdating sa chorus lip-sync lng ang all ‘Never enough’ kahit mag-practice ng isang taon.”

May pumuna rin sa meaning at relevance nito sa completion rites dahil love song daw ito.

“The major concern here is not the key as it can be transposed but rather the MEANING and its RELEVANCE. This is a love song.”

Wala pang reaksiyon o pahayag ang pamunuan ng DepEd Agusan Del Sur tungkol dito.

Source/Reference: Memorandum DM-CI-2020-00162

Palagi kaming nasa proseso ng pag-upload ng mga bagong file at pag-update ng mga link. Mangyaring bisitahin ang pahinang ito paminsan-minsan upang makuha ang pinakabagong pag-update ng Lingguhang Plano sa Pag-aaral sa Bahay. Maaari mo ring BOOKMARK ang pahinang ito para sa madaling sanggunian, kung gumagamit ka ng Windows PC i-click ang CTRL + D o CONAND + D para sa Mac. 

Tandaan: 
Ang mga lingguhang plano sa pag-aaral sa bahay na ito ay nai-update lingguhan, kaya tiyaking i-bookmark kami. Disclaimer:This post is created for information, education and dissemination purposes only, NO copyright infringement intended, for more questions and inquiries contact us through our email. Basic 

Troubleshooting 
If the download link is not working properly you may be loading an old cache of the page. To solve the problem please reload the page by PRESSING F5. Shall you need further assistance? Please email us at support@k12fileshare.com.

No comments:

Post a Comment